Angel 24-7
ANGEL 24-7 About Me Picture Show Amongst Angels My Faves Thought Sparks My Friends Angel Network 24-7 Chronicles


November 24th, 2009

bunso koh!!!
Posted




tinext nya ako kahapon ng hapon sabi dadaan daw siya dito pauwi galing work.

6pm sya nag-out.. around 6:30 when he came.

magkatabi kaming naupo sa tambayan gaya ng dati. malamig ang gabi pero bakit ako pinagpapawisan.

hmmm.. lakas pa rin ng dating sa akin ng batang yun.!

si bunso ko. ang mahal kong si bunso. madami siya nakwento.

tinanong ko siya kung ano sabi ng tita niya sa nangyari. sabi ba naman bakit ko raw pinabayaan!?! huh? pinabayaan ko ba talaga siya?

in a way siguro. pero di ko naman talaga siya pinabayaan ah! lets just say i just gave him space to enjoy his life w/o any commitment from me. sino ba naman ang magaakalang makakahanap siya ng iba  in a short period of time!

kinulit ko siya if his tita really did say that... oo daw. natahimik ako dahil my tears wanna fall down! kapag nagsalita pa ako maiiyak na ako.

hinawakan niya ako sa pisngi sabi joke lang sabay tawa! nakakainis.. naguguilty na nga ako sa mga knkwento niya tapos dadagdagan pa niya ng ganun! argh!

according to him, hindi naman daw talaga niya balak ligawan yun kasi daw hindi talo, cousin daw kasi yun ng barkada niya.

pero after na makitext yung barkada niya na cuz nung girl nakuha na nung girl yung no. niya. nagkatext na sila.

binola bola daw niya kumagat naman daw.

ayun naging sila.

lagi daw siya napapainom sa bahay nung girl tapos kapag nalasing ayun dun na raw siya pinapatulog ng parents nung girl!

tama ba naman yun? kunsintidor tlaga!

eto pa, pinapaamin ko siya kung buntis yung girl.. hindi naman pala buntis yung girl.

hindi ko rin mapaamin na may nangyari sa kanila. ewan ko kung nahihiya lang yun o nagsasabi lang siya ng totoo!

whatever it is, i know na impossible na wala pang nangyayari sa kanila. lagi silang magkama sa bahay even i found out that they dont "really" stay together as usual couples do. mga sleepovers lang daw kapag minsan.

pero sabi niya hindi naman daw sila lang sa bed. kasiping din daw nila yung utol niyang bunso.. hmm.. really?!

SABI KO KELAN nila plan magpakasal.. hindi naman daw sila magpapakasal! sira talaga yun! sabi ko ano na lang plano niya sa kanila! kasi daw mag-aaral pa siya.

mabuti naman pero dapat niya panindigan yung girl di ba? sabi ko kng mahal ba niya yung grl? ewan ang sagot niya! ay naku nabatukan ko tuloy! i asked him kung he's happy.

sagot niya ok lang naman daw. sbi ko anong ok positive o negative. bah ay both daw!

hindi naman daw niya maiwan yung girl kasi naaawa siya, mabait naman daw kasi pati ung parents niya. hindi naman daw siya pinakikitaan ng pangit, pinakikisamahan naman daw siya ng maayos. baka raw magpakamatay pati yung girl!

know what hindi ko alam kung maawa ako sa kanya dahil parang napasubo siya sa isang bagay na hindi naman siya sigurado o magagalit ako dahil may plano pa kami na magaaral siya pero ano ginawa niya nakahanap siya ng iba!

hay di ko siya masisisi pinakawalan ko siya eh, kaya nakuha ng iba!

matagal pa kami nagkwentuhan at nagkulitan!

god, now i know how much i miss him.. binugbog ko nga ng kurot eh.. ka-cute kasi! hay bunso ko talaga... naunahan pa akong mag-asawa.. kahit pinagpipilitan niyang hindi nya asawa yun. ok fine, "magiging asawa"!

nami-miss ko yung mga lambingan at kulitan namin dating ginagawa! yung mga tawanan, kwentuhan, lutu-lutuan, lahat-lahat ng oras na magkasama kami namiss ko bigla!

mga bagay na hindi na ulit at malabo na ulit maulit! mga bagay na mananatili na lamang alaala...

sinasama nga niya ko sa kanila, sa kanila na raw ako magdinner pero ayoko ano na lang sasabihin ng mga makakakita sa amin na mgkasama.. ayoko nga matsismis dito noh! tsaka nahihiya talaga ako. maya niyan bigla dumating asawa niya este gf niya eh di ang cheap ko naman!kaya hindi talaga niya ako napilit!

tinext ko ung tita niya.. di pa naman pala niya ako nakakalimutan.. someday daw pag nagpunta ulit sila dito she will meet me to get to know me.. ay kahiya yata!

umuwi siya ng around 7:30.. saglit na oras lang pero ang laki ng nagawa sa akin...

ewan ko ba bakit bigla yata ako sumigla. ayokong umasa ako dahil narinig ko yung mga kwento niya pero parang ganun na nga ang napi-feel ko.. umaasa???

tama pa bang umasa? parang hindi na.. sa nangyari at sa sitwasyon ngayon... malabo!

hay bunso.. hope 2 c u later again! i miss you so much!

 

Angel's LSS: kahit hindi na tayo
Differential Diagnosis: umaasa???






November 23rd, 2009

ayaw at gusto.
Posted




nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng ang letseng daliri ito kung ano ang napindot at nawala lahat nang naisulat ko na.

balik blogging ako.

marami akong gustong isulat pero wala akong maisip na tamang salita na maisasalarawan lahat ng aking nararamdaman!

madami akong gusto gawin pero hindi magawa.

may mga bagay akong nasimulan pero hindi ko magawang tapusin.

gusto kong tumawa pero wala namang nakakatawa.

gusto ko ring umiyak pero tama bang umiyak?

gusto kong sumaya pero hindi ko alam kung ano ang makakapagpasaya sa akin.

gusto ko maging manunulat pero wala akong maisulat.

gusto ko nang ma-inlove ulit pero kanino naman?

gusto ko ng magmahal pero kanino?

gusto kong mahalin ako pero bakit, mahirap ba akong mahalin?

madami rin akong ayaw pero kailangan kong tanggapin.

ayaoko sa mg nararamdaman ko pero parte na ito ng buhay ko!

ayoko umiyak pero para ano pa at nagkaron ako ng luha kung hindi ko gagamitin? <nye hehe!>

ayoko nang umasa pero kada paggising ko sa umaga nangangarap ako sa isang happy ending.

ayoko ng maging malungkot pero hindi naman talaga ako masaya!

ayoko nang masaktan pero iyon ang aking nararamdaman.

ayoko at gusto...

ano ba talagang gagawin ko sa buhay ko..

sa araw-araw na paggising ko ay napa-frustrate ako.

i am 26, i think like 16 and my parents treat me like 12.

napakarami kong mga tanong na hanggang ngayon matanda na ako ay wala pa rin kasagutan!

bakit at bakit hindi?!

ano ba talaga ang dapat at hindi dapat?

hay isa na naman sa mga page-emote ng buhay ko...

wala lang magawa!

 

 

Angel's LSS: ring tone
Differential Diagnosis: crazy






November 21st, 2009

date?
Posted




sinabi niya raw lahat sa gf niya about our past... di nman daw nagalit...

eto pa ha he asked me if i still love him! my goodness shemp di ko sinagot! ayoko nga magsalita ng hindi ko naman kayang paninidigan at maaaring maggbunga ng gulo...

ok na yun ganto. tapos na kami...

pero un ang akala ko! he even asked me for a date tomorow! shemp hindi ulit ako pumayag...

hindi naman ksi talaga pwede...

hindi ako mangaagaw! hindi! hindi ako cheap!

Angel's LSS: paglisan by repablikan
Differential Diagnosis: ???






November 19th, 2009

opisina days
Posted




i miss my office desk...

table nya... ni syd.. yung kupal na office mate ko na nakwento ko dati...

table ko naman ito...

pagitan ng table namin...

dito kami nun madalas magkulitan... hay kamiss!!

Angel's LSS: maalala mo kaya!
Differential Diagnosis: nostalgic






life!
Posted




maghapon ako badtrip kahapon.. di kasi ako makapgonline... tapos basta naiinis ako sa lahat ng nasa paligid ko! naiinis ako s kanya at dun sa babae!

pilit ko siya iniiwasan pero hindi maiwasan.. ayoko silang makitang magkasama pero wala akong magawa.. gusto ko siyang itext pero para ano pa? para guluhin ang buhay nya?

haayy... hindi pa magsink in na talagang wala ng pag-asa.. na wala na siya...

kailangan tanggapin... kailangan...

Angel's LSS: big girls dont cry
Differential Diagnosis: inis






November 17th, 2009

miss tearjerky
Posted




kagabi ang saya saya namin.. ako, si angie, si makiz.. we're at the tambayan. when later bunso and his wife to be came.

eto ang eksena...

umalis sina angie at makiz dahil may bibilhin sila. sinamahan ako ni thez para may kausap ako. pauwi na pala that time si bunso at wifey nya.

dumaan siya sa harapan namin. the stopped by..

ako:ah ngayon lang kayo pauwi!?gabi na ah!

bunso: hindi. galing pa kami sa kanila.

ako: ah!

thez: hoy, pakilala mo naman kami sa gf mo.!

bunso: <nakasmile> ah evette si manilyn nga pala.. manilyn siya si evette.

thez: maganda pala siya ha! di na ako magtataka kaw ha!

<ako.. smile lanng ng smile..>

bunso: dito ka <sabi sa parang nahihiyang si gf> wag ka mahiya..

gf: mnilyn nga pla. <turo sa sarili nya habang nakatingin sakin.>

ako.. ngiti lang ulit.. smile kuntodo!

blah.. blah.. chat.. usap sila ni tez.. ako smile pa rin...

silent moment.. may dumaan yatang anghel.. siya nakasmile pa rin.

<kagat labi sabay tingala sa langit... yung luha ko kasi lalaglag na... tangang luha to!! malapit ko nang di mapigilan...

parang nahihiya na yung gf.

thez: sige na nagmamadali yata kyo tsaka antok na gf mo..

bunso: sige ha.. pinapaalis na yta kami ni evette.

ako: uhm anu kaya yun?! hindi ah!

umalis na sila..

waahhh.. ayun tuluyan nang bumagsak ang tears sa cheek ko.. natatawa ako na naiiyak..

natatawa ko dahil hindi ko alam kung bakit naiiyak ako?

pati sila pinagtatawanan ako.. mahal ko pa raw kasi kaya ako naiiyak.

pero the truth is di ko alam kung bakit ako naiiyak!

naiiyak ba ko dahil mas maganda yung girl sakin?

 naiiyak ba ko dahil magksama sila at totoo nga pala na ang balita!?

o naiiyak ako dahil may feelings pa rin ako sa kanya!?

waaah ewan ko!!!

hindi dapat to db?!

sila ang dapat.. hindi kami.

ok na yun...

well, it should be! 

Angel's LSS: paglisan by repablikan
Differential Diagnosis: tearjerky






November 16th, 2009

God says 2 me..
Posted




"You've got to live life, not think about it. Step into the midst of things, try and fail and learn and stand up again. The question is not whether you will or will not make mistakes - you will. The question is do you want to learn and grow, or do you want to shrink back and be stuck? Take that step you've been avoiding. You can succeed, or you can get feedback that it didn't work, but in either case you are sure to feel alive. "

think & ponder...

Angel's LSS: iyak ni jareth
Differential Diagnosis: gutom






November 15th, 2009

tumatanda na talaga
Posted




i was visited by my high school friends matet and noel yesterday...

funny how it seems that we not already the person way back before... dati puro boys, crushes, baon, parent's sermon at kung anu ano pang nonsense ang topic eh ngayon its all about settling down, getting married and have a good life!

it's true that we're not getting ant younger.. we're at the "marrying age". in fact, our good friend may will getting married this december at lahat kami ay part ng entourage!

how i miss the old days way back in high school... i miss my barkada, the friendships that uprooted way back since elementary and grows more until college kahit hiwa-hiwlay na kami ng school...

unfortunately, they are all attached and committed.. huhu nakakahalata na talaga ako huh! napagiiwanan na yata talaga ako...

hayy.. but  im fine... ok nga na single eh! malungkot nga lang talaga pag minsan lalo na kapag nakakakita ako ng lovers na pakalat kalat!

di bale i know and i feel it na malapit ko na sya makilala...

i know someday i will find him and he will find me... together we'll make our dreams come true.. we will make each other happy. we will love each other & finally i wil have my happily ever after!

open arms ang kanta my naalala tuloy ako.. ampf...

Angel's LSS: open arms...
Differential Diagnosis: nostalgic




« Newer | »

your name:

url:

your message: